ang tao
nabiyayaan ng buhay
nabigyan ng utak at damdamin
ngunit
bakit ang tao
nagagawang manakit
bagamat nabigyan ng sariling kusa
bakit naaatim na tiising naghihirap ang kapwa
bakit ang tao nakakapagbigkas
mga salitang nakakasakit
kahit na sa kanilang sarili ay hindi nila tatanggapin
meron mang isip at consensya
bakit nagagawang ipagdamot ng tao ang isang bagay na ikakabuti ng lahat
ang tao nga naman
isang malaking pala isipan
kung ganito din lang
ang tao ay ang uri ng nabubuhay
para lamang sa sariling kapakanan
sakim na kung sakim
pero ang tao
meron ding isang katangian na hindi maikakait na syang nagbabago sa lahat
ito ay ang katangiang kaya nilang magbago
oo, pudpod na ang linya nang pagbabago
pero hindi ito naluluma
mamatay na ang lahat
ang pagbabago ay hindi makakaligtaan pagkat
ang tao ay hindi lamang nabubuhay sa iisang araw
ito ang tao...marami man tayong masasabi
hindi parin ito malinaw pagkat
ang lahat ay sadya lamang isang malaking palaisipan
No comments:
Post a Comment