Saturday, January 2, 2010

saka nalang

alam ko naman na hindi ako sasaya tulad nuon
pero susubukan ko
susubukan ko kasi alam ko na hindi na tayo pwede
oo, mahal kita, sobra sobra pa kesa sa ginawa ko para sa iba
pero, sobrang mahal kita
gusto ko masaya ka, kulang ako para sayo
alam ko yun
kulang ako dahil sa distansya na ito
alam ko rin yun
gusto ko, sumaya ka ng hindi nasasaktan
oo, masakit ngayon, pero kapag tumagal mawawala din yan
alam ko, hindi ko maloloko sarili ko
oo, mahal na mahal parin kita, pero hanggang doon nalang
sana mahanap mo iyong tunay na kasiyahan
huwag ka mag-alala kung tingin mo wala ng nakakaalala sayo, nandito lang ako
pero hindi ko na pwedeng iparamdam pa sayo kung gaano kita kamahal
kasi sobrang sakit na binigay ko kaya, dito nalang ako sa malayo
malayo sayo, wala sa buhay mo
siguro saka nalang
saka ko nalang ulit ipaparamdam pagmamahal ko sayo
sa kabilang buhay.

No comments:

Post a Comment